Kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng hindi na umabot sa 100 kada araw sa kalagitnaan ng Marso – DOH

by Radyo La Verdad | February 16, 2022 (Wednesday) | 10636

METRO MANILA – Mahigit kalahati pa ang ibinaba ng COVID-19 cases sa bansa kumpara sa nakalipas na isang linggo.

Katumbas ito ng 3,521 na kaso na lamang kada araw simula noong February 8.

Kahapon (February 15) nakapagtalala ng 2,010 na bagong kaso, 6,293 ang gumaling at mayroong 52 nasawi.

Sa pagbuti ng sitwasyon sa Pilipinas, ayon sa DOH hindi na aabot sa 100 kaso kada araw ang maitatala pagsapit ng kalagitnaan ng Marso

Nguni’t babala naman ng DOH, posibleng pumalo naman ito sa mahigit 2,000 hanggang 7,000 kaso kada araw kapag naging kampante ang publiko.

Makikita sa projection ng fasssterrrr na gamit ng DOH ang pagtaas ng kaso kung nakalimot muli ang publiko na umiiral pa rin ang pandemya.

Paliwang ng DOH, ang pagbaba ng kaso sa bansa ay patunay rin ng epekto ng malawak na pagbabakuna sa mga rehiyon.

Nguni’t may 4 pang rehiyon sa Pilipinas na nananatiling nasa moderate risk classification pa.

Babala ng DOH sa publiko, karamihan ng mga bansang nagluwag ng protocols at nagsagawa ng eleksyon ay nagkaroon ng pagtaas ng kaso.

Upang maiwasan itong mangyari sa Pilipinas, lahat ay dapat makiisa na iwasan ang physical contact, pagkukumpulan at hindi pagsusuot ng face mask habang isinsagawa ang campaign rallies

Ipinahayag din ng World Health Organization na malaki ang posibilidad na matapos na ang pandemya ngayong taon kung magkakaroon ng pagkakaisa at magiging responsable sa pagsunod sa mga umiiral na protocols.

(Aiko Miguel | La Verdad Correspondent)

Tags: ,