Kaso ng COVID-19 sa bansa, bumabagal na ang “Doubling Time” o pag- doble ng mga kaso kumpara sa mga nakalipas na araw

by Erika Endraca | April 23, 2020 (Thursday) | 2202

METRO MANILA – Bumabagal na ang pagdoble ng bilang ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), hindi tayo dapat maging kampante dahil posibleng magkaroon ng second wave ng pagkalat ng sakit tulad ng nangyari sa ibang bansa,

“
Nakita natin sa ibang bansa na talagang pwedeng maging taksil o traydor ang coronavirus na kinakalaban natin sa ngayon. sa panahon na inaakalang natalo mo na sya, bigla syang magbabalik at maghahasik ng lagim huwag po tayong magiging complacent…

” ani DOH Spokesperson,Usec. Maria Rosario Vergeire

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, malalaman sa mga susunod na araw kung magiging pababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.



Muling paalala ng DOH, seryososohin ang pagsunod sa mga panuntunan sa Enhance Community Quarantine (ECQ) upang maabot ang goal na to flatten the curve

.

Tags: