METRO MANILA – Hindi na aabot sa 500 ang kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa pagpasok ng Abril sa pagtaya ng Octa Research Group.
Ayon kay Dr Butch Ong, ito ay dahil napanatiling mababa ang COVID-19 cases sa nakalipas na linggo batay sa monitoring ng Octa Research Team.
Hindi na rin umaabot sa 1 ang reproduction number sa buong bansa.
Magandang indikasyon ito na napuputol na talaga ang hawaan.
At sa Abril posibleng mapanatili pa sa low to very low risk classification ang buong Pilipinas.
Pakiusap naman ng grupo sa publiko, kahit pababa na ang naitatalang COVID-19 cases ay dapat magsuot pa rin ng face mask at makapagpabakuna para sa proteksyon kontra COVID-19.
Batay din sa tweet ni Octa Research Fellow Prof Guido David nitong Sabado (March 19).
Hindi na umabot sa 10 ang COVID-19 cases ang naitala sa pitong lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mga lungsod ng Las Piñas, Marikina, Navotas, Malabon, Valenzuela,Mandaluyong at Muntinlupa.
Samantala, ang Pateros at San Juan City lamang ang mga LGU sa NCR na hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Sa kabuoan, 128 na lang na COVID-19 cases ang naitala sa Metro Manila nitong Sabado (March 19).
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19 Cases