Kaso ng aso na nag-positibo sa COVID-19 sa Hong Kong, isang isolated case at walang matibay na batayan- WHO

by Erika Endraca | March 4, 2020 (Wednesday) | 2319

METRO MANILA – Wala pang matibay na ebidensya ang World Health Organization (WHO) upang patunayan na maaaring maipasa ang COVID-19 sa mga hayop gaya ng mga domestic animal

Sa kasaysayan aniya ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, isang kaso lang ito at walang matibay na basehan kaya maituturing itong isolated case

Maaari pa aniyang magka-coronavirus ang isang aso nguni’t hindi ang transmission ay mula sa tao.

“This is one dog which is reported to have been tested positive. We know that coronaviruses infect dogs. In fact coronavirus infection in dogs results in dogs getting acute diarrhea. We have no evidence to date of COVID- 19 infecting domestic animals” ani WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe .

Wala rin aniyang kaso na nahahawa ang mga hayop mula sa sakit ng tao batay sa mga pag- aaral ng mga eksperto.

Payo ng WHO, dapat ding ikonsidera pa rin ng mga Animal Health Experts ang pag- aaral kung posible nga bang maipasa ang COVID-19 sa hayop para makapagtatag ng mas matibay na pag- araal kaugnay nito.

“We are working with our partners in the animal health industry, animal health sector for us to better undertsand this and once we have better information we will be ready to share that.at this point of time we don’t have better information than this single report” ani WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe .

Pag- aaralan din aniya ng IATF ang bagay na ito

“Wala pang enough evidence or hard facts para patunayan na totoo yan or hindi. So we are planing it by ear so kapag lumabas ang isang rekomendasyon galing sa ating mga eksperto and then tingnan natin kung ano ang dapat nating gawin. But yes, it is part of the radar of what we are trying to study right now” ani DOH Public Health Services Team, Asec Maria Rosario Vergeire .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: