Kaso laban sa tauhan ng Smartmatic iginigiit ng kampo ni Sen. Marcos

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 11148

SC
Nanindigan ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos na dapat kasuhan ang tauhan ng Smartmatic at COMELEC na responsible sa pagpapalit ng script sa transparency server noong araw ng halalan.

May sapat anilang basehan upang litisin sa korte si Marlon Garcia ng Smartmatic na siyang gumawa ng pagbabago sa transparency server kasama ng anim na IT personnel ng COMELEC at Smartmatic.

Nahaharap ang mga respondent sa tatlong counts ng paglabag sa Republic Act 10-175 o Anti-Cybercrime Law.

Dati nang iginiit ng Smartmatic na binago lamang ang script upang palitan ng letter “ñ” ang question mark sa pangalan ng ilang kandidato.

(Roderic

Tags: ,