Kaso laban kay Lt.Gen. Ricardo Visaya kaugnay ng Luisita massacre, bubuhayin ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 2869

RICARDO-VISAYA
Binatikos ng mga magsasaka ang paghuhugas-kamay ni Lieutenant General Ricardo Visaya sa Hacienda Luisita Massacre upang manatiling top-contender sa pagka Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng incoming President Rodrigo Duterte.

Si General Visaya ang dating kumander ng 69th Infantry Battalion ng Philippine Army na kasama sa madugong dispersal operations na nagresulta sa pagkamatay ng pito sa mga nagpoprotestang magsasaka ng sa Hacienda Luisita at pagkakasugat ng daan-daang iba pa noong November 16, 2004.

Sa isang pahayag, sinabi ni Danilo Ramos, Secretary General ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura o UMA, na dapat ipaalala kay General Visaya na isa siya sa mga kinasuhan sa Ombudsman kaugnay ng Luisita massacre.

Plano ngayon ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na buhayin ang mga kaso laban sa Heneral.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,