Kaso kaugnay sa nakumpiskang P6.4-B na halaga ng shabu sa Valenzuela, posibleng mapawalang bisa – mga Kongresista

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 1414

Nadiskubre sa pagdinig ng Kamara na hindi sinunod ng mga opisyal ng BOC ang batas sa pagkumpiska sa mahigit 600-kilo ng shabu na nakalusot sa ahensya mula sa China.

Maliban sa wala silang search warrant na hawak para sa surveilance na kanilang ginawa sa warehouse sa Valenzuela.

Ayon kay PDEA NCR Regional Director Wilkins Villanueva, basta na lamang umanong ikinalat ng mga ito ang mga nakumpiskang droga sa sahig para sa photo op sa media.

Dahil sa mga kapalpakang ito posibleng mawalan umano ng saysay ang kasong ito. Kaya naman ang mga kongresista pinagbibitiw na sa pwesto si Comm. Faeldon.

Samantala, nakatakdang humarap ngayong araw sa pagpapatuloy ng pagdinig si BOC Risk Management Office Chief Larry Hilario ang umanoy tumulong sa consignee para mailabas ang kargamento nang hindi na daan pa sa verification at inspection, mula sa House of Representatives.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,