Karamihan sa mga presidentiable at vice presidentiables, nangako nang dadalo sa mga debate na inorganisa ng COMELEC

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1469

ANDRES-BAUTISTA
Tatlong debate para sa mga presidential candidate at isa para sa mga tumatakbong bise presidente ang inorganisa ng COMELEC.

Sa pulong na ipinatawag ng COMELEC at KBP ngayon myerkules, nangako ang kampo ni Vice President Jejomar Binay, Congressman Roy Señeres, Senator Miriam Defensor Santiago at Mar Roxas na dadalo sa tatlong presidential debates.

Ayon naman sa abugado ni Senator Grace Poe, nakadepende sila sa magiging desisyon ng Korte Suprema.

Ngunit ayon sa poll body nasa listahan pa rin ng mga kandidato si Poe.

Habang sa panig ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ayon sa kaniyang representante, sasabihan nila ang alkalde na dumalo.

Nagbigay din ng commitment ang kinatawan ng mga kandidato sa pagka pangalawang pangulo na dadalo ang kanilang pambato sa gaganaping vice presidential debate.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, malaking kawalan sa panig ng kandidato kung hindi sila dadalo sa debate.

Pag uusapan din ng poll body, kbp at ibang media networks kung papayagan ang political ads sa dalawang oras na debate.

Sa February 21 gaganapin ang unang presidential debate sa Capitol University sa Cagayan de Oro City sa Mindanao.

Sa University of San Carlos sa Cebu City naman ang second debate sa March 20 habang sa University of Pangasinan naman ang pangatlo sa April 24.

Sa April 10 naman gaganapin ang vice presidential debate sa Metro Manila.

Babalangkas naman ng memorandum of agreement ang COMELEC na lalagdaan ng mga kandidato.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,