Karamihan sa mga kongresista, hindi napag-aralan ang panukalang SSS Pension Increase – Rep. Egay Erice

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1229

EGAY-ERICE
Buong tapang na ipinahayag ni LP Spokesperson, Caloocan Rep. Egay Erice na nagkaroon sila ng kapabayaan bilang mga mambabatas sa pagkakapasa sa panukalang SSS Pension Increase.

Inamin ni Erice na mismong siya ay hindi napag-aralan ang nilalaman ng panukala at ang posibleng epekto bago siya bumotong pabor para dito.

Kaya naman oras na subukang i-override ng kamara ang veto ni Pangulong Aquino sa SSS Pension Increase, hindi na sya susuporta dito at maging ang karamihan sa kanyang mga kasamahan.

Base sa record ng Lower House 211 affirmative vote ang nakuha ng SSS Pension Increase at walang sinumang kongresista ang tumutol na maipasa ito.

Maging ang Speaker of the House at mayorya ng mga LP Congressman kasamang bumoto pabor sa pagpasa ng panukalang batas.

Subalit mayroong paring mga kongresista na hindi magbabago ng pasya na isabatas ang SSS Pension Increase.

Kasabay ng panawagan sa kanilang mga kasamahan na panindigan ang kanilang naunang boto para sa dagdag 2-libong pension sa mga SSS pensioner.

Ang mga SSS pesioner naman ay todo pakiusap sa mga mambabatas na tulungan silang madagdagan ang kanilang pensyon.

Dito na lamang sila kumukuha ng kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,