Karamihan sa mga heinous crime convict na napalaya sa ilalim ng GCTA law ay may kasong rape at murder

by Radyo La Verdad | September 9, 2019 (Monday) | 7810

Pinalaya ng Bureau of Corrections ang 1,915 na convicts dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) noon pang 2014.

Sa 45 pages na listahan na nakuha ng UNTV, karamihan sa 1,915 na convicts na pinalaya ay convicted sa kasong murder na nasa 811  at rape na nasa 802.

Mayroon ding pinalayang convicted sa ilegal na droga, na nasa 48, labimpito sa naturang bilang ay pawang mga dayuhan na nahuli sa bansa dahil sa paglabag sa Republic Act 6425. Labing lima sa naturang mga dayuhan ay pinalaya nito lamang 2019.

254 ang convicted sa iba’t-ibang kaso kabilang ang homicide, robbery at iba pa.

Nakahanda naman ang tracker team ng PNP-CIDG sa ibang ibang rehiyon sa bansa na hanapin ang mga napalayang convicts kung hindi pa rin susuko ang mga ito pagkatapos ng 15 araw na ibinigay na grace period ng Pangulo.

Ang PDEA naman naniniwalang hindi basta-basta susuko ang mga drug lords na napalaya dahil sa GCTA kayat tutulong sila sa PNP.

Ayon kay DG Aaron Aquino, PDEA, “Pwede din kaming mag-aresto kung hindi sila susuko, that’s why we are asking also the list from the Bureau of Corrections.”

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,