Mga congressmen, mayor, councilor at mga lokal ang karamihang dumalo sa oath taking sa NPC Clubhouse. Ang mga ito ay mula sa Quezon, Batangas, Laguna, Camarines provinces, Ilo-ilo at maging sa ilang mga lugar sa NCR.
Isa sa mga lumipat mula naman sa Lakas ay si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.,kasama din niya ang 12 alkalde mula sa kaniyang distrito.
Ayon kay NPC Sec.Gen. Batangas Rep.Mark Llandro Mendoza humigit kumulang 50 kongresista ang miyembro ng NPC at madalas umano silang nahihingan ng tulong ni House Speaker Sonny Belmonte upang hingin ang kanilang suporta sa Kamara.
Isa pa sa nakikita niyang dahilan ng paglipat ng mga local official sa kanilang partido ay dahil buo at nagkakaisa sila sa pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.
Kinompirma din niya na kasalukyan silang nakikipag-usap sa National Unity Party, Nationalista Party at Makabayan upang bumuo ng isang koalisyon at magkaroon ng mga kandidatong ausuporthan sa 2016 Elections.
Wala pa umano silang pinal na desisyon kung sino kina Sec.Mar Roxas, Sen.Grace Poe at Vice President Jejomar Binay ang kanilang susuportahan.
Samantala, dumalo din si Caloocan Mayor Echiverri, Liberal Party memeber, sa oath taking at aniya inimbitahan lamang siya doon nguni’t hindi pa nman siya lumulipat sa NPC.
Ayon naman kay NPC prez Gigi Aggabao, ang pagdalo umano ni Mayor Echiverri sa oath taking ay nagpapahiwatig na maaaring interesado siya sa NPC.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)
Tags: councilor at mga lokal, mayor, Mga congressmen, NPC Clubhouse, oath taking