Mabilis naubos ang mga ticket sa mga bus terminal sa Cubao at Pasay dahil sa dami ng mga kababayan nating uuwi sa probinsya ngayong weekend.
Ayon sa mga bus operator, bago pa ang linggong ito ay marami na ang nag pa reserve ng ticket.
Fully booked na ang karamihang tickets papuntang Bicol, Samar at Leyte
Upang hindi magkulang ng bus, aprubado na ng LTFRB ang ilang mga city bus na nag apply para sa special permits, makakatulong ito upang madagdagan ang mga bus na bibyahe palabas ng metro manila.
Nagbabala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga bus company na aabusong magtataas o magbababa ng pasahe
Ayon sa LTFRB, mayroong taripa na dapat sundin ang mga bus company at hindi magiging patas ang kompetisyon kung masyadong bababaan ang halaga ng pasahe makakuha lamang ng pasahero
Nag inspeksyon rin sa mga bus terminal sa Pasay si DOTC Sec.Jun Abaya, pinagiisipan ng kagawaran na gawing requirement na ang drug testing sa mga driver ng pampublikong sasakyan
Myerkules ng kahapon umabot sa sampu ang nag positibo sa drug testing, hindi muna pinayagan ang mga ito makapag maneho. ( Mon Jocson / UNTV News )
Tags: DOTC Sec. Jun Abaya, Land Transportation Franchising and Regulatory Board