Umiiyak na humarap sa media ang tatlong kaanak ng SAF44 na naghain ng reklamo laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF-PNP Director Getulio Napeñas.
Ito na ang ikatlong batch ng reklamong inihain ng mga kaanak ng SAF44 laban sa mga dating naturang opisyal.
44 counts ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious physical injuries ang reklamong inihain laban sa mga dating opisyal.
Ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption ang umasiste sa mga kaanak ng SAF44 na nanggaling pa sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa abogado ng pamilya ng SAF44, hindi dito nagtatapos ang kanilang paghahain ng reklamo at masusundan pa ito ng mga reklamo ng iba pang mga kaanak.
Kahit nakatatanggap ng death threats ang ilang kaanak ng mga SAF44 ay itutuloy nila ang paghahain ng reklamo.
Sa isang pahayag naman mula sa kampo ni dating Pangulong Aquino, sinabi nito na pag-aaralan ng kanyang mga abogado ang mga legal na aksyon na dapat gawin hinggil sa reklamo.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: dating Pang. Aquino III, inihain sa Ombudsman, Karagdagang reklamo, Purisima at Napeñas