Karagdagang pediatric vaccination hospitals, bubuksan sa Metro Manila – DILG

by Radyo La Verdad | October 25, 2021 (Monday) | 1252

METRO MANILA – Madaragdagan ng panibagong 18 Local Government Unit (LGU) hospitals ang dating 8 pediatric vaccination sites sa National Capital Region sa 2nd phase ng vaccination program para sa mga menor de edad na may gulang 12 hanggang 17. Kinumpirama ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kabilang sa mga maidaragdag na pediatric vaccination hospitals ay ang, Caloocan City Medical Center (North and South), Ospital ng Malabon, Navotas City Hospital, Valenzuela City Emergency Hospital, Marikina Sports Complex, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Quezon City General Hospital, St. Luke’s Medical Center Quezon City, Ospital ng Maynila, Ospital ng Makati, SM Megamall Mega Vaccination Site which is near Mandaluyong City Medical Center, Cardinal Santos Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Ospital ng Parañaque 1, University of Perpetual Help System Dalta, Pasay City General Hospital and St. Luke’s Medical Center – Global City to cater to the Municipality of Pateros.

Samantala, inaasahang magkakaroon na rin ng pediatric vaccination sa mga regular vaccination sites sa susunod na buwan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,