Government hospitals, naka-high alert sa darating na pagpapalit ng taon — DOH

by Radyo La Verdad | December 19, 2022 (Monday) | 3939

METRO MANILA – Isasailalim na ng Department of Health (DOH) sa high alert status ang lahat ng ospital sa buong bansa bilang paghahanda sa pagpapalit ng taon.

Ayon sa DOH, magsasagawa sila ng serye ng inspeksyon sa mga ospital upang masiguro ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa mga fireworks-related injury at anomang emergency bilang bahagi ng kanilang “iwas paputok” campaign.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na iwasang bumili at gumamit ng mga paputok sa halip ay manuod na lamang ng mga community fireworks display at gumamit ng mga alternatibong pampaingay.

Tags: ,