Karagdagang leave para sa mga hukom ng first level courts, inaprubahan na ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1342

JERICO_PNOY
Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III bilang ganap na batas ang Republic Act No. 10709 na nagbibigay ng karagdagang 30 days forfeitable leave taun taon sa lahat ng hukom ng first level courts.

Ayon sa batas na pinirmahan ng Pangulo noong December 9, ang mga hukom mula sa Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts sa mga siyudad, Municipal Trial Courts, Municipal Circuit Trial Courts at Shari’a Circuit Courts na kabilang sa first level courts ay ginagawaran ng 30 days forfeitable leave with pay.

“In the computation thereof, Saturdays, Sundays and holidays shall be excluded,” ayon sa batas.

Bukod pa ito sa pribelihiyong 15 days vacation leave at 15 days sick leave na isinasaad sa batas.

“The forfeitable leave privilege under this Act shall be noncumulative and nonconvertible to cash.”

Ang inaprubahang batas ay naipasa sa House of Representatives noong Aug. 26 2014 at naamyendahan ng Senado noong August 24 2015.

Sinangayunan naman ng KAMARA ang amyenda noong nakaraang Sept. 27, 2015.

Ang naturang batas ay epektibo labinlimang araw matapos ang pagkakalathala nito sa mga pahayagan o sa Official Gazette ng pamahalaan.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: