Muling diringgin ng Senate Ethics Committee sa Martes ang karagdagang reklamo na inihain ni Atty. Abelardo De Jesus laban kay Senator Leila de Lima.
Kaugnay ito sa pagbibigay ng payo ng senadora sa kanyang dating driver at body guard na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng kamara kaugnay ng Bilibid drug trade.
Bagaman hindi pa nakakatanggap ng kopya ng ethics complaint si Sen. de Lima, sinabi nitong handa siya sumailalim sa proseso ng ethics committee na aniya ay may hurisdiksyon sa kanya.
Magsusumite rin siya ng sagot sa mga reklamo kung sakaling hingan siya ng komite.
Una nang inireklamo ni Atty.De Jesus sa ethics committee si de Lima dahil sa naging personal na relasyon niya kay Dayan, pero sinabi ng komite na wala pala silang hurisdiksyon para i-proseso ito dahil hindi pa senador noon si de Lima.
Tags: didinggin ng Senado sa Martes, Karagdagang ethics complaint vs Sen. Leila de Lima