Isinusulong ng mga bus operator ang paglalagay ng karagdagang dedicated o exclusive lane para sa mga pampasaherong bus upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.
Dalawang lane anila ay ilalaan para sa city bus at isa sa point to point at provincial bus.
Kailangan rin anilang magamit ng maayos ang mga bus stop upang hindi kung saan-saan nagbababa ng pasahero.
At dahil ilang lane na lamang ang matitira para sa mga pribadong sasakyan, iminungkahi rin ng mga bus operator na muling ipatupad ang odd even scheme sa private vehicles.
(UNTV RADIO)
Tags: exclusive lane
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com