Panahon pa lang ng kampanya ipinangako na ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan nito ang problema ng bansa sa iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Subalit kahapon humirit ng karagdagang anim na buwan ang pangulo dahil sa laki ng kinakaharap na problema.
Aniya kasama sa nagpalala ng problema ang pagkakasangkot ng mga elected government officials sa illegal drug trade.
Patunay dito ang hawak niyang makapal na listahan ng mga opisyal na sangkot sa sindikato ng droga hanggang sa lebel ng mga barangay.
Ayon sa pangulo, iligal na droga din ang dahilan kung bakit sumang-ayon siya na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana sa susunod na buwan.
Ipagbabawal na rin ng pangulo sa mga pulis ang maging bodyguard ng mga barangay captain dahil na rin sa problemang ito.
Sa ngayon hindi pa inilalahad ng pangulo ang laman ng kaniyang panibagong listahan ng mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: hiniling ni Pres. Duterte, Karagdagang 6 na buwan, upang masugpo ang illegal drugs