Nagtalaga na ang Korte Suprema ng karagdagang dalawangdaan at apatnapung anti-drugs courts nahahawak sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tugon ito ng maataas na hukuman sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kasong may kaugnayan sa illegal na droga.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 120-thousand ang mga drugs case na nakabinbin sa pitungdaan at labinglimang regional trials courts sa bansa.
Maglalabas din ng panuntunan ang Supreme Court kung paano mapabibilis ng mga korte ang paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa illegal na droga.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)