METRO MANILA – Daan- daang kaso ng COVID-19 ang nadadadagdag araw- araw sa buong bansa .
Nguni’t ayon sa Department Of Health (DOH) sapat pa ang kapasidad ng health system ng Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng COVID-19 patients.
Ito rin ang tinatawag na critical care utilization kung saan makikita kung ilan na ang nagagamit o natitira pa sa mga intensive care facilities ng bansa .
Ang criitical care utilization ang isa sa batayan ng IATF kung anong ipapatupad na restriction o quarantine measures sa isang lugar.
“Iyong critical care utilization natin, ibig sabihin yung critical resources natin ay sapat pa sa ngayon sa nakikita natin pero it does not mean na magiging complacent tayo, kaya kailangan patuloy natin ipapatupad yung mga sinasabi nating mga measures.”aniDOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.
Batay sa ulat ng DOH Kahapon (June 22), 34.25% pa lang ang nagagamit na ICU beds sa bansa.
36.25% pa lang ang nagagamit sa mahigit 3,000 ward beds .
At nasa 34.24% pa lang ang nagamit na isolation beds para sa COVID-19 patients.
Halos 19% pa lang sa 1,998 na mechanical ventilators ang nagagamit para sa COVID-19 patients sa buong bansa.
Ang pagpaptupad ng community quarantine measures ng pamahalaan ay nakakatulong upang hinidi dumami ang hawaan ng covid-19 sa Pilipinas.
At upang hindi naman mapuno ang kapasidad sa mga covid-19 facilities.
Nakatulong din aniya ang mga quarantine measures ng pamahalaan upang mapabagal ang pag- doble ng kaso sa Pilipinas
Sa ngayon ang case doubling time batay sa ulat ng DOH ay halos inaabot na ng 7 araw
Mas madami na rin aniya ngayon ang bilang ng COVID-19 survivors sa bansa na umabot na sa mahigit 7,000.
(Aiko Miguel | UNTV)
Tags: Covid-19, DOIH, Health System