Kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamahala sa trapiko, nais mapawalang bisa ng isang mambabatas

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 1758

MON_FERNANDO
Anim na siyudad na ang nakakasakop sa kahabaan ng EDSA kabilang dito ang lungsod ng Caloocan, Quezon City, Pasig, Mandaluyong, Makati at Pasay.

Halimbawa na lamang ang number coding scheme na ipinapatupad sa karamihan ng mga syudad sa Metro Manila liban sa Marikina, Taguig at Muntinlupa.

Habang wala namang window hours ang number coding sa Makati at Las Piñas.

Isa ito sa mga nais masolusyunan ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando na ngayon ay kinatawan ng 1st district ng Marikina.

Isusulong ni BF sa Kongreso ang Metro Manila and Transport Traffic Crisis Act.

Sa ilalim ng panukalang batas, mapapawalang bisa ang autonomy power ng mga lokal na pamahalaan sa pamamahala sa batas trapiko sa mga abalang lansangan sa Metro Manila.

Sa pamamagitan nito mapapalakas ang kapangyarihan ng MMDA at magkakaroon ng isang mamamahala sa pagaayos at pagmamando sa trapiko sa buong Metro Manila.

Inaasahangm malaki ang maitutulong nito upang kahit papaano ay mapaluwag ang masikip na trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, kasalukuyang tinatalakay ng mga Metro Manila mayors na bumubuo sa Metro Manila Council ang hinggil sa autonomy power ng mga lgu sa traffic management subalit mas maganda na magkaroon ng batas hinggil dito.

Suportado rin ni Congressman Fernando ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,