METRO MANILA – Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang kumpanya na tumutuligsa sa ruling ng Court of Appeals (CA) sa isang kaso na nahatulan na ng Enegry Regulatory Commission (ERC).
Tinanggihan ang petition for review na isinampa ng SKK Steel Corporation dahil sa bigo silang magpakita ng reversible error sa parte ng CA ayon sa isang 9 pages na resolusyon nitong Marso 15.
Pinanindigan ng SC ruling ang desisyon noong 2014 ng CA na binaliktad ang 2013 direktiba ng ERC sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na mag-refund sa SKK Steel Corp ng P18-M representative ng ancillary changes.
Nakasaad sa 2014 ruling ng CA ang direktiba na magbayad ang NGCP ng P8-M imbis na P18-M sa SKK Steel Corp.
Iniakyat ng SKK Steel Corp. ang kaso sa SC na nararapat ang mga nakalap ng ERC ay bigyan ng higit na paggalang ng appellate court (CA) dahil ang kasanayan ng ERC ay sa larangan ng energy laws.
Ayon sa SC, ang adjudicatice power ng mga administrative bodies tulad ng ERC ay may kaakibat na kapangyarihan ng CA upang ireview ang apila ng ahensya.
(Ritz Barredo | La Verdad Corespondent)