Inilabas na ng AD HOC Committee ang kanilang bersyon ng Bangsamoro Basic Law na nakatakdang pagbotohan sa Lunes.
Sa orihinal na bersyon siyam lamang ang exclusive powers ng National Government gaya ng Defense and External Security, Foreign policy, Postal service, Citizenship and Naturalization, Immigration, Customs and Tariff, at Intellectual Property rights.
Subalit sa bagong bersion ang gobyerno na rin ang may kapangyarihan sa Banking, Energy, National Regional and Local Elections, Auditing, Civil Service, Human Rights, Ombudsman at Land Registration and Cadastral survey sa Bangsamoro.
Ang buong article-8 ang pagkakaroon ng walo o isang katiwala ng Prime Minister sa Bangsamoro pinaaalis na rin sa BBL.
Maliban dito tiyak din sa bagong bersyon na ang bubuohin Bangsamoro Region ay parte pa rin ng Pilipinas.
Sa article 1 nais palitang ang “Bangsamoro” bilang “Bangsamoro Autonomous Region” at ang BBL bilang Basic Law of the Bangsamoro Autonomous Region.
Pinatatanggal rin ang International Treaties and Agreements.
Gayunman, ayon kay AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez lumawak man ang kapangyarihan ng pamahalaan sa Bangsamoro malaki naman ang pondong ilalaan ng pamahalaan sa Bangsamoro Region gaya ng annual black grant, special development fund at iba pa.(Grace Casin /UNTV News)
Tags: AD HOC Committee, Bangsamoro Basic Law, Rufus Rodriguez
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com