Bentang-benta sa mga Apple fans ang isang uri ng kandila na inilabas kamakailan, dahil sa kaamoy nito ang isang bagong bukas na Mac computer.
Inilabas ng online retailer na Twelve South ang kandila na tinawag nilang “New Mac candle” na na-sold out agad sa loob lamang ng beinte kwatro oras.
Ang naturang kandila ay may scent notes ng mint, peach, basil, lavender, mandarin at sage.
Tinawag na “crazy idea” ng co-founder na si Andrew Green ang paggawa sa naturang kandila, pero dahil bumenta ito ay maglalabas pa sila ng stocks sa hinaharap.
Tags: Kandila na ka-amoy ng isang bagong Mac computer, nag-sold out