Isang abugada ang napili ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka Workers and Peasants na ipalit sa namayapang si Congressman Roy Señeres bilang kandidato nila sa pagkapangulo.
Lunes nagtungo sa COMELEC si Apolonia Soguilon upang ihain ang kaniyang certificate of candidacy gayundin ang certificate of nomination ng partido.
Una nang naghain ng certificate of candidacy sa pagkapangulo noong October 2015 si Soguilon bilang isang independent candidate subalit idineklara siyang nuisance ng poll body.
Subalit may kwestyon sa substitution ni Soguilon dahil batay sa rules ng COMELEC, kapag pumanaw ang isang kandidato ang ilalagay na kapalit ay dapat kapartido at kaapelyedo.
Samantala nagtungo rin ng COMELEC ang abugado ni Congressman Señeres upang ipaabot sa komisyon na napagpasyahan ng pamilya na hindi na sila magpapasok ng substitute candidate.
Sa ngayon mananatiling nasa balota pa rin ang pangalan ni Señeres.
(Victor Cosare/UNTV News)
Tags: Apolonia Soguilon, Congressman Roy Señeres, Partido ng Manggagawa at Magsasaka Workers and Peasants