Kampo ni Senator Grace Poe,umaasa na papanigan ng Comelec ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 1367

MERYLL_POE
Umaasa ang kampo ni Senator Grace Poe na susuportahan ng Commission on Elections (Comelec) ang naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) nang ideklara na si Poe ay isang natural-born citizen kaugnay sa election offense case na isinampa laban kay Poe.

Inaasahan na sa lalong madaling panahon ay maglalabas ang Comelec ng resolusyon sa kasong isinampa ni Rizalito David laban kay Poe,kung saan ayon kay David, ang senadora ay gumawa umano ng “material misrepresentation” sa kaniyang isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) sa poll body nang si Poe ay tumakbo sa pagka senador noong 2013. Kinukwestyon ni David kung bakit idineklara ni Poe na siya ay isang natural-born citizen, gayong ito ay isang foundling lamang na ayon sa paniwala ni David, ang foundling ay isang stateless.

Giit ni Atty.Garcia,sa ilalim ng customary international law at ng Philippine Constitution at domestic laws,sinomang foundling na matagpuan sa Pilipinas ay itinuturing na natural-born citizen.

“The SET has spoken: Senator Poe is a natural-born Filipino citizen. Therefore, she is not only eligible to sit as a member of the Senate but also to seek the presidency,” saad ni Atty.Garcia.

Ipinahayag ng kampo ni Poe na nakatakda silang maghain ng dismissal laban sa election offense case ng senadora. At sa December 3 naman ay nakatakdang maghain ng memorandum ang kampo ni Poe,para sa tatlo pang disqualification case na isinampa ni dating senador Francisco Tatad, Political Science Professor Antonio Contreras at Ex-University of the East College of Law Dean Amado Valdez.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,