Kampo ni Sen. Juan Ponce Enrile, hinihintay ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema upang makapagpyansa sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | August 18, 2015 (Tuesday) | 3840

ENRILE
Ikinatuwa ni Sen Juan Ponce Enrile ang inanunsyong desisyon kanina ng Korte Suprema na pinapayagan na itong pansamantalang makalaya kahit non bailable offense ang kasong plunder.

Sa isang statement na inilabas ni Atty. Joseph Sagandoy, abogado ni Sen Enrile hinihintay nalang nila ang kopya ng pormal na desisyon ng Korte Suprema at agarang na silang magbabayad ng piyansa sa Sandiganbayan upang makabalik na sa Senado si Enrile.

Sa ngayon kasi hindi pa lumalabas ang resolution ng Supreme Court na maglalaman ng terms and conditions sa pagpipyansa ng Senador.

Ayon naman kay Sen. Ralph Recto, maraming magagawang tulong ang years of experience ni Sen. Enrile kapag nakabalik na ito sa senado lalo na sa usapin ng budget at sa Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje -Tang, bilang paghahanda sa pagpipyansa ng senador, kahit Quezon City Day bukas at holiday, magbubukas pa rin ang Sandiganbayan 3rd Division upang maghintay na rin sa order at desisyon ng Korte Suprema. (Joyce Balancio/ UNTV News)

Tags: , ,