Kampo ni Sen. Grace Poe, iginiit na batas ang basehan ng kanyang pagiging natural born citizen

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 1383

POE
Matapos na hindi mag-match ang dalawang initial DNA Testing, sinabi ni Senator Grace Poe na hindi ito dapat na gawing basehan sa kanyang pagiging natural born citizen.

Sinabi ni Poe dapat na mas gawing basehan ang mga batas sa pagiging natural born citizen ng isang foundling.

Inamin din ni Poe na matagal na niyang hinahanap ang tunay niyang mga magulang o kamag-anak at ang boluntaryong pagpapa-dna testing niya ay para na rin sa kanyang personal na kaalaman.

Ayon kay Poe may ilan pang indibiduwal ang maaring sumailalim sa dna testing ngunit hindi na siya nagbigay pa ng detalye.

Sinabi ng Tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, tulad ng naunag dna testing muli nilang isasapubliko ang resulta ng susunod na dna examination.

Samantala, inuumpisahan na ng asawa ni Poe ang proseso ng pagrerenounce ng kanyang american citizenship.

Ayon sa Spokesperson ni Poe, inaayos na ng kanyang asawa ang mga dokumentong kailangang isumite sa mga otoridad.

Pagdating naman sa kanyang mga anak, nasa mga ito ang pagpapasya kung ire-renounce nila ang kanilang citizenship tulad ng kanilang ama.

Binalikan naman ni Gatchalian ang mga kritiko ng senadora at sinabing huwag gawing issue ang pamilya ni Poe lalot ilan sa mga anak ng senadora ay mga menor de edad pa. (Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,