Nakatakdang ituloy ngayong araw ang oral arguments sa Supreme Court dito sa Lungsod ng Baguio kaugnay ng pagsuspinde kay Makati City Mayor Junjun Binay.
Magsisimula ang pagdinig ngayong alas 2 ng hapon, kung saan ang susunod na magbibigay ng kanilang ARGUMENTO ay ang PANIG ni Mayor Junjun binay at ang Court of Appeals.
Matatandaang noong nakaraang Martes ay nagpahayag ng kanilang panig sina Solicitor General Florin Hilbay at Ombudsman Conchita Carpio Morales kung saan kinukwestyon nila ang paglalabas ng TRO at injunction ng Court of Appeals ukol sa suspension order na inilabas ng Ombudsman.
Samantala, ayon naman sa kampo ni Binay, may kapangyarihan ang Apelate Court upang pigilin ang suspension order ng Ombudsman at dapat umano ay nagsampa na lamang ang ito ng Motion for Reconsideration sa korte sa halip na iniapela ito sa Korte Suprema.(Jerolf Acaba/UNTV Radio Correspondent)