Kampo ng mga Parojinog, kumpirmadong nanlaban sa mga pulis base sa autopsy report sa mga nasawi – PNP

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 2640

Kinumpirma ng Philippine National Police na nanlaban ang mga Parojinog ng isilbi ang search warrant sa kanilang tahanan base sa autopsy report.

Nanindigan ang PNP na nanlaban ang mga Parojinog sa nangyaring raid sa bahay nito Ozamiz City. Na autopsy na rin ang walo sa labing limang namatay kasama ang apat na Parojinog.

Tama ng bala at pampasabog ang ikinamatay ng walong indibidwal ayon sa autopsy report. Nag positibo rin sa gun powder nitrate si Mayor Reynaldo Parojinog Sr. sa isinagawang paraffin test. Katunayan daw na hawak ng alkalde ang baril bago ito mamatay.

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Senior Supt. Dionardo Carlos, malaki ang magiging ambag ng paraffin test upang makita kung may iregularidad sa pagsisilbi ng search warrant sa mga Parojinog.

Ayon sa PNP, nagpadala sila ng dagdag na tauhan sa Ozamiz City dahil sa balita na mayroong banta na gaganti ang mga supporters ng mga Parojinog, gagawin naman ng PNP ang lahat ng paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,