Kampanya vs krimen at iligal na droga, muling binigyang diin ni Pres. Elect Duterte

by Radyo La Verdad | June 27, 2016 (Monday) | 1409
FILE PHOTO
FILE PHOTO

Muling binigyang diin ni President Elect Rodrigo Duterte ang kaniyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga sa oras na maupo na siya bilang pangulo ng bansa.

Sa talumpati ni Duterte sa kanyang thanksgiving celebration sa Cebu noong Sabado, sinabi nito na ang rehabilitasyon ay hindi na isang matagumpay na solusyon para sa taong drug addict.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, nasa tatlong milyong pilipino ang gumagamit ng iligal na droga.

Sa tala ng Philippine National Police, hindi bababa sa limampung drug suspects ang napatay sa mga police operation mula noong manalo si Duterte sa May 10 presidential elections.

(UNTV RADIO)

Tags: ,