Kampanya vs insurgency sa Samar provinces, palalakasin pa ng Regional Peace and Order Council

by Radyo La Verdad | October 10, 2017 (Tuesday) | 1086

Isang emergency meeting ang isinagawa sa Tacloban City ng Regional Peace and Order Council o RPOC at mga concerned agencies sa Eastern Visayas upang talakayin ang peace and order situation sa syudad.

Inilatag ng RPOC ang solusyon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba na ang problema sa insurgency sa lalawigan.

Ayon kay Leyte Governor Mic Petilla, tutukan nila ang development sa tatlong probinsya ng Samar kasama pa rin ito sa tala ng Philippine Statistics Authority sa top 10 poorest provinces sa bansa.

Ang kahirapan ang itinuturing ng LGU na siyang pangunahing sanhi ng problema sa insurgency.

 

 

 

Tags: , ,