Kampanya ng Department of Tourism na Station Domination, inilunsad sa Canary Wharf Station sa Central London

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 1684

Nananatiling number one ang United Kingdom sa buong Europa na may pinakamataas na bilang ng turista na bumibisita sa Pilipinas taon-taon.

Kaya naman muling isinagawa ng Department of Tourism ang “Station Domination” sa isa sa pinakabusy na underground tube station sa London, ang Canary Wharf Station.

Layon ng proyekto na maipadama sa mga Londoner ang “real-life experience” sa mga activities na maaaring nilang ma-enjoy sa Pilipinas gamit ang VR technology.

Kabilang dito ang pag-susurf sa mga world-class beaches sa bansa, island hopping sa Palawan, pagbisita sa mga magagandang tanawin tulad ng chocolate hills sa Bohol at marami pang iba.

Ipinatikim din sa mga Londoner ang sorbetes at turon habang nanonood sa Philippine folkdances na sinasayaw ng ating mga kababayan.

Todo suporta naman sa proyekto ang Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom upang i-promote ang ganda ng likas na yaman ng ating bansa.

 

(Dennis Damasco / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,