Kampanya laban sa iligal na droga, pinaiigting ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 1422

pinoy-edited
Inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pagibayuhin ang kampanya laban sa drug trafficking sa bansa.

Ayon kay Pangulong Aquino, dapat ituon ng lahat ng law enforcement agencies ang pagsugpo sa mga sindikato ng ipinagbabawal na gamot base sa level of threat sa komunidad para maprotektahan ang kapakanan ng mamamayan lalo na ng mga kabataan.

Sa ulat ng PDEA, 13,792 indibiduwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto mula 2010 hanggang 2014.

Ayon naman kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma, nagsasagawa na ang Department of Health ng pagpapalawak ng mga drug treatment at rehabilitation centers kung saan P393 million na ang nagugol ngayong taon at mayroon pang karagdagang P400 million na nakalaan para sa 2016.(Jerico Albano/UNTV Radio Correpondent)