Kampanya kontra-krimen na “4 to 6 habit”, ipatutupad ng PRO-9

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 1488

Isinusulong ngayon ng Police Regional Office 9 ang programang “4 to 6 habit”, ito ay isang kampanya-kontra krimen na isasagawa tuwing alas kwatro hanggang alas sais ng umaga at mula alas kwatro ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Base umano sa mga ginagawang pag-aaral ng PRO 9, sa mga oras na ito kadalasang isinasagawa ng mga masasamang loob ang kanilang gawain.

Pangunahin sa mga kasong nangyayari sa umaga ay rape, theft o robbery at pagdating naman sa hapon ay ang pagmamanman sa kanilang posibleng magiging biktima.

Target ng PNP na lalo pang mapababa ang iba’t-ibang krimen sa rehiyon sa pamamagitan ng naturang programa.

 

 

 

 

Tags: , ,