Kampanya kontra illegal drugs sa nakalipas na anim na buwan, tagumpay – PNP Chief

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 2580

pdg-dela-rosa
Personal na nag-inspection sa Davao City si PNP Chief Ronald Dela Rosa bago ang pagpapalit ng taon.

Inikot ni Dela Rosa ang iba’t-ibang istasyon ng pulis maging ang Roxas Night Market at ang Rizal Park upang matiyak na sapat ang ipinatutupad na seguridad ng pulisya.

Kasabay ng pagtatapos ng taong 2016, nanindigan ang hepe ng pambansang pulisya na naging matagumpay ang war on drugs ng pamahalaan sa nakalipas na anim na buwan sa kabila ng inaani nitong kritisismo.

Batay sa ulat ng PNP na inilbas ng Malakanyang, mula July 1 hanggang December 30, mahigit isang milyon na ang sumukong drug pushers at users habang mahigit apatnaput dalawang libo ang naaresto.

Mahigit 5 milyong bahay ang binisita kaugnay sa Oplan Tokhang.

Nakapagsagawa din ang mahigit 40 libong anti-drug operations kung saan mahigit sa 2 libo ang nasawi.

Muli ding humingi ng paumanhin si Dela Rosa sa mga naging biktima ng kampanya laban sa iligal na droga.

Naniniwala din ang opisyal na may kaugnayan sa war on drugs ang panggugulo ng mga teroristang grupo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kaya patuloy na pinaiigting ng pulisya ang kanilang pagbabantay upang mapigilan ang pananabotahe ng mga ito.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,