Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Davao City Congressman Karlo Nograles na walang pork barrel na nakapaloob sa general appropriations bill na inaprubahan ng Kamara.
Dagdag pa ni Nograles na mahigpit na sinusunod ng Kamara ang Supreme Court decision na unconstitutional ang pork barrel funds or lump-sum at discretionary funds na dati ay ibinibigay sa mga mambabatas.
Aniya sa P3.767 trillion national budget para sa 2018, hindi na maaari pang pakialaman ng senador at kongresista ang utilization ng pondo at implementasyon ng mga proyekto.
Tags: 2018 national budget, Kamara, pork barrel
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com