Kamara at Senado, bumuo ng hiwalay na grupong tatalakay sa panukalang pederalismo

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 3512

Bubuo ng tig-isang study group ang Kamara at Senado para ilatag ang kani-kanilang mga bersiyon sa panukalang pederalismo.

Dito pagsasamahin ang lahat ng mga bersiyon sa panukalang pederalismo kasama ang mismong PDP-Laban version, ito ang napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel noong Myerkules ng gabi.

Isinaang tabi din muna ng dalawang lider ang isyu kung paano sila magsasagawa ng botohan.

Pero ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, dapat buksan sa publiko ang gagawing pag-aaral ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Lalo’t posibleng maisingit dito ang mga probisyon gaya ng term extension, no election at pagbuwag sa mga independent agencies.

Samantala, ayon kay Alvarez hindi dapat seryosohin ang bangayan nila ng senado sa usapin ng Cha-cha.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,