Kamara, naniniwalang may sapat na basehan para ma-impeach si CJ Sereno

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 3683

Limang grounds ang posibleng gamitin ng impeachment committee para mapatalsik sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay ang isyu ng kulang-kulang na SALN, ang hindi pagbabayad ng tamang buwis, ang paglalabas ng desisyon na hindi dumaan sa SC en banc, ang manipulasyon sa Judicial and Bar Council at ang bagsak na gradong nakuha sa psychological at psychiatric evaluation.

Sa darating na Martes, ika-7 ng Marso, isa-isang pagbobotohan ng kumite ang mga grounds of impeachment. Kumpiyansa si Impeachment Committee Chairman Reynaldo Umali na papasa ito.

May listahan na ang Kamara ng mga kongresistang magiging miyembro ng prosecution team pero kailangan pa itong i-finilize.

Kapag pasado na sa komite ang reklamo dadalhin na ito sa plenaryo.  Isang katlo o 97 na boto lang ang kailangan para i-impeach ng Kamara si CJ Sereno at iakyat na ang kaso sa Senate impeachment Ccourt.

Ngayong araw magsisimula na ang indefinite leave ni CJ Sreno para paghandaan ang posibleng pagharap sa Senate impeachment court.

Muling nanindigan ang kanyang mga tagapagsalita na hindi magbibitiw sa pwesto si Sereno dahil kaya nitong depensahan ang sarili. Igagalang din nila ang magiging desisyon ng Senado sa kaso.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,