Hindi na magbabago pa ang isip ng Kamara at wala na umanong paraan para ibalik ang panukalang pondo ng Commission on Human Rights, National Commission for Indigenous People at Energy Regulatory Commission, at kung maisasabatas ang isang libong pondo ng tatlong ahensya maaari pa naman umano silang magrequest ng pondo sa DBM.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles, ilalagay nila sa free higher education ang pondong binawas sa tatlong ahensya. Plano din nilang tapyasang ang pondo ng DAR, DOTR, DICT at DEPED.
Samantala, kung bibigyan naman sila ng pondo ng senado, dadaan ito sa Bicameral Conference Committee para subukang pag-usapan ng dalawang kapulugan ng Kongreso. Kung hindi pa rin sila magkasundo, hindi maisasabatas ang panukalang pondo ng bansa para sa susunod na taon ay magkakaroon ng re-enacted budget.
Ibig sabihin kung ano naisabatas na kasalukuyang pondo ng bansa ngayong taon, ito rin ang halagang makukuha ng gobyerno para sa susunod na taon.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)