Kamara, kumpiyansang maipapasa bukas ang panukalang pambansang pondo para sa 2021

by Erika Endraca | October 15, 2020 (Thursday) | 18233

METRO MANILA – Natapos ng Kamara sa period of sponsorship and debates ang nasa 14 na departamento at ahensya ng pamahalaan mula nang buksan ang special session noong Martes (Oct. 13).

Kabilang na dito ang DSWD, Commission On Audit, Commission of Higher Education, Department of Agrarian Reforms at Office of the Vice President.

Ayon kay Valenzuela Second District Representative Eric Martinez, target nilang tapusin ang deliberasyon sa panukalang pambansang pondo at maipasa ito sa kamara sa Byernes (Oct. 16).

“That’s the deadline. That’s the president’s call. We’re gonna answer the call of the president. We’re gonna finish it by Friday.” ani Valenzuela Second District Representative Eric Martinez.

Maging si Cavite 7th District Representative Boying Remulla ay naniniwala na matatapos ito sa Biyernes (Oct. 16).

Bumuo rin aniya ng audit group si Speaker Velasco para makatulong sa proseso ng paghimay ng pondo.

“Maraming bantayan diyan, maraming bantayan. Tsaka may audit group na binuo si Speaker Velasco na nandito na sila para tulungan ang proseso ng paghimay ng budget at pag submit ng isang printed copy papuntang senado para maging basis for their action and for the bicam.” ani 7th District Representative Boying Remulla.

Samantala nagkausap na rin sina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Velasco tungkol sa 2021 national budget.

Ayon sa senador, nagtakda sila ng pagpupulong upang mapagtibay pa ang relasyon ng 2 kapulungan ng Kongreso.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,