Isa-isang nang susuriin ng House Committee on Justice ang bawat alegasyong nakasaad sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema, lalo na kung ang mga ito ay impeachable offense.
Pag-aaralan din nila kung ang sagot na isinumite ni Chief Justice Sereno ay naaayon ba sa mga alegasyon.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, hindi imbitado sa pagdinig ang mga respondent at complainant.
Tanging mga miyembro ng kumite pa lang ang mag-uusap at magbobotohan kung may grounds ang reklamo.
Kanina muling nagsumite ng sulat ang kampo si CJ Sereno para ipilit muli ang karapatan ng punong mahistrado na irepresenta ng kanyang mga abugado.
Ito ang kanilang tugon sa sinabi ni Umali na dapat ay mismong si CJ Sereno ang magsagawa ng cross examination sa mga testigong ipepresenta ng complainant.
Ayon naman kay Umali, tatalakayin at pagbobotohan nila sa kumite ang hiling na ito ni Sereno.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: CJ Sereno, impeachment complaint, Kamara