Kaligtasan ng mga Pinoy sa Kuwait, dapat munang pagtuunan ng pansin kaysa sa paglagda sa MOU – OFW Advocate

by Radyo La Verdad | April 27, 2018 (Friday) | 1836

Ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait at ang maayos na pagpapauwi kay Ambassador Renato Villa ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng pamahalaan.

Ayon kay OFW Advocate Susan Ople, sa halip ng paglagda sa bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa, kailangang maibalik muna sa normal ang sitwasyon bago muling ungkatin ang isinusulong na Memorandum of Understanding (MOU).

Mahalaga rin aniya na mabigyan ng legal representation ang apat na inarestong tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa ginawang rescue operation sa ilang distressed OFW.

Ayon pa kay Ople, mas mabuti rin anila kung magkakaroon na muna ng silent diplomacy o manahimik na muna ang Pilipinas at huwag masyado ng palakihin ang issue sa media.

Makatutulong din aniya kung may mamamagitan na isang bansa na kapwa malapit sa Pilipinas at Kuwait.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,