Kalidad ng mga decorative light at mga holiday food product, ininspeksyon ng DTI

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1280

MON_DTI
Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry sa lahat ng mga consumer na mag-ingat sa mga binibiling decorative light ngayong holiday season.

Paalala ng DTI, marami sa mga decorative light sa mga pamilihan ay mumurahin at mababa ang kalidad o low quality.

Ito ang mga uri ng pailaw na kadalasang pinagmumulan ng sunog dahil sa mababang kalidad na mga materyales na ginamit sa paggawa nito.

Binigyan ng notice of violation ang mga may ari upang isailalim sa imbestigasyon at alamin kung saan nagmula ang ibinebentang mga produkto.

Ang mga nakumpiskang produkto ay sisirain ng DTI upang hindi na magamit.

Samantala, kasabay ng inspeksyon ay nag-ikot rin sa ilang supermarket ang DTI.

Nagpaskil sila ng listahan ng suggested retail price ng ilang holiday products upang maging gabay ng mga mamimili

Muli ring tiniyak ng ahensya na walang magtataas sa presyo ng mga holiday products ngayong Disyembre.

Subalit ang Welcome supermarket sa Rotunda, may ilang brand na lagpas sa SRP ang binebenta, ang dahilan may mga produkto na limitado ang stocks.

Inisyuhan naman ng showcause order ng DTI ang naturang supermarket dahil sa hindi pagsunod nito sa SRP.

Pinayuhan ng DTI ang mga consumer na maging matalino sa pamimili, maraming pwedeng pagpilian na mga brand na mas mura sa mga kilalang brand.

Kung may sumbong at reklamo sa mga pamilihan na nagtataas ng presyo, maaari itong isumbong sa DTI hotline number 751-3330.

(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: , ,