Kalayaan ng mga Pinoy na makapangisda sa Scarborough shoal, layunin ng goodwill mission ni FVR

by Radyo La Verdad | August 10, 2016 (Wednesday) | 5281
FILE PHOTO
FILE PHOTO

Nagpatawag ng press briefing si former President Fidel Ramos sa konsulado ng Pilipinas sa Hongkong sa unang araw ng pagbisita nito sa bansa.

Maliban sa pakikipag-usap kay Wu Shicun, ang kasalukuyang namamahala sa Think-Thank na National Institute for South China Sea studies na nakabase sa Hainan; hindi na nagbigay ng iba pang detalye si FVR.

Isa aniya sa layon ng kaniyang pagbisita ay muling maibalik ang kalayaan ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough shoal na karagatang sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“I have always been a very optimistic person. Always looking for the best results, for what we call in Bohol, ‘win, win’. Win for both sides. But, of course, that also depends on the attitude of the Chinese officials.” Pahayag ni Ramos

Si FVR ang itinalaga ng Pangulo bilang special envoy ng Pilipinas sa China kaugnay sa problema sa West Philippine Sea.

(UNTV RADIO)

Tags: ,