Nasa kalahati na ng bansa ang nagawan ng flood hazard map gamit ang Light Detection And Ranging System o LIDAR ng dream program ng Department of Science and Technology o DOST.
Sa pamamagitan nito ay nabigyan na ng detalye ang halos limang daang munisipalidad sa bansa na may malaking posibilidad na bahain kapag umuulan.
Unang naimapa ang mga lugar sa tabi ng mga pangunahing ilog sa bansa gaya ng Cagayan river, Pampanga river at Marikina.
Makatutulong din ito sa mga gustong bumili ng property sa isang lugar.
Ayon sa DOST, malaki ang natipid ng pamahalaan sa LIDAR kumpara sa mga available map na maaaring bilhin sa mga pribadong provider.
Tags: DOST, flood hazard map, Kalahati ng bansa