Ikinabahala ng Department of Health ang lalim at lawak ng problema sa iligal na droga sa bansa matapos sumuko ang libo-libong drug dependents bunsod ng ipinatutupad na Oplan Tokhang ng Philippine National Police.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, malaki ang problema ng bansa sa paglaganap ng bawal na gamot at hindi ito kayang resolbahin ng pamahalaan lamang.
Ayon sa a malaking hamon ang pagbuo ng rehabilitation plan dahil hindi sapat ang kanilang mga tauhan at pasilidad upang ma-accommodate ang lahat ng sumukong drug dependents.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang apat na pampublikong rehabilitation center sa bansa at nasa dalawandaang milyong piso ang pondo ng DOH para sa operasyon nito.
(UNTV RADIO)