Kakulangan sa suplay ng bakuna, nakikitang problema sa pagresobla sa tumataas na Covid-19 cases sa bansa – Sec Duque

by Erika Endraca | March 22, 2021 (Monday) | 1144

METRO MANILA- Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na ginagawa ng pamahalaan ang buong magagawa nito upang mapababa ang patuloy na tumataas na Covid-19 cases sa bansa.

Isang paraan dito ang vaccine prioritization lalo na sa mga healthcare workers.

Ngunit ang kakulangan ng bakuna ang isa sa mga nakikitang dahilan ng kalihim kung bakita hindi nasosolusyunan ang problema.

“Tumutugon tayo sa mataas na sipa ng Covid cases sa sa NCR, Calabarzon, Region 3, CAR so yun ang tugon natin pero ang talagang limitasyon ay kakulangan ng bakuna” ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay sec. Duque, ito ay dahil 30% lamang o katumbas ng mahigit 1 Million doses ng bakuna ang dumating sa Pilipinas kumpara sa 3.4 Million doses na kailangan para masapatan ang lahat ng healthcare workers sa bansa.

Ayon sa kalihim, maaaring ang nakatabing AstraZeneca vaccines nalang na nakalaan bilang 2nd dose sa mga nauna nang nabakunahan ang gamitin na 1st dose para naman sa ibang healthcare workers .

“Yung astrazeneca na 2nd dose diba meron tayong 2nd dose na nakatabi gamitin nalang for 1st dose pumayag na ang op para mas marami tayong mabigyan ng partial protection mapa-expand natin” ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.

Paliwanag ng kalihim, may inaasahan naman na 900,000 doses ng astrazeneca vaccine na darating sa bansa sa huling linggo ng buwan o sa unang linggo ng Abril

Nilinaw naman ni Sec. Duque na hindi gagalawin ang nakatabing 2nd dose ng bakunang Sinovac dahil 28 araw ang pagitan para sa 2nd dose nito kumpara sa AstraZeneca na mahigit 2-month-window bago maibigan ang second dose.

(Marvin Calas | UNTV News)