Kakulangan sa PPE ng mga ospital sa bansa, tutugunan ng DOH

by raymond lacsa | March 23, 2020 (Monday) | 4953
Department of Health

Nangako ang Kagawaran ng Kalusugan na tutugunan nila ang kakulangan ng mga ospital sa mga Protective Personal Equipment (PPE) para sa kanilang medical personnel.

Tumanggap ang Pilipinas ng 100,000 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 set ng medical protection suits, at 10,000 n95 masks mula sa China.

Nagpasalamat naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa tulong na ipinagkaloob ng China sa Pilipinas.

Umaasa si China Ambassador to the Philippines Ambassador Huang Xilian na makadurugtong sa kakulangan ng bansa sa medical supplies ang donasyon mula sa kanyang pamahalaan.

Samantala, 100 milyong pisong halaga naman ng medical equipment ang ipinagkaloob ng isang ayaw magpakilalang Filipino-Chinese businessman para sa mga medical frontliner sa Pilipinas.

Kabilang sa ipinadala ng negosyante ay protective suits, medical gloves, disposable goggles, infrared thermometers, protective masks, disposable shoe covers, diagnostic kits, fill automated nucleic acid extraction instrument at iba pa. — Aiko Miguel



Tags: , ,